ÐÓ°ÉÂÛ̳


Salindunong 2019: Pambansang Kumperensiya sa Filipino, muling idaraos!

by Airen C. Sajulga | Mar 08 2019

            Pagkatapos ng matagumpay na SALINDUNONG 2018: Unang Pandaigdigang Kumperensiya noong nakaraang taon, ang Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan ay muling magdaraos ng SALINDUNONG 2019:Ika-12 Pambansang Kumperensiya sa Filipino ngayong darating na Marso 27-29, 2019 sa ÐÓ°ÉÂÛ̳-IIT Gymnasium, ÐÓ°ÉÂÛ̳-IIT, A. Bonifacio Ave. Tibanga, Lungsod Iligan.

            Sa lumipas na labindalawang taon, iba’t ibang paksa ang naihain ng Departamento na pawang may kinalaman sa wika. Sa taong ito, nakatuon ang kumperensiya sa “Glokalisasyon at Kalakaran sa Filipino: Kasalukuyang Isyu sa Wika, Panitikan at Pananaliksik”. Naglalayon ang gawaing ito na matalakay ang konteksto ng wika at kulturang Pilipino mula sa mga usaping lokal tungo sa global at global tungo sa lokal na espasyo. Ilalahad dito ang iba’t ibang isyu, kagawian (practices), estratehiya at/o karanasan sa pananaliksik at pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa mga titser, instraktor, propesor at mag-aaral sa Filipino.

            Ang kumperensiyang ito ay aasahang dadaluhan ng mga guro mula sa iba’t ibang antas ng edukasyon, maging ng mga estudyante buhat sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Pito (7) ang magiging tagapanayam sa kumperensiyang ito; sina Abner Mercado sa kanyang lektyur na may pamagat na “Ang Wikang Filipino at ang mga Kampana ng Balangiga na Nagbalik sa kanyang Bayan at Simbahang Pinagmulan Makalipas ang Mahigit Isang Siglo, Prof. Jayson D. Petras (Sikolohiya ng Wikang Filipino), Dr. Michael Francis C. Andrada (Kulturang Popular), Dr. Edison A. Fermin (Ekokritisismo sa Pagtuturo ng Wika at Pananaliksik), Prof. Erik Louwe R. Sala (Ang ICT at Wikang Filipino), Dr. German V. Gervacio (Ang Bago at Eksperimental na Panitikan sa Panahon ng Fake News at Post-Truth), at Dr. Mark Anthony J. Torres (Ang Halaga ng Wika sa Usaping Kapayapaan). Upang bigyan ng espasyo at pagtalakay ang iba’t ibang papel-pananaliksik ng mga guro’t mag-aaral, mayroon ding mga sesyong paralel sa nasabing kumperensiya. Sa kasalukuyan, umabot na sa walumpu’t siyam (89) na papel-pananaliksik na nabigyan ng kompirmasyon.

            Katulad ng mga naunang kumperensiya, inaasahan na ang SALINDUNONG 2019: Ika -12 Pambansang Kumperensiya sa Filipino ay magiging matagumpay sa tulong mga guro ng DFIW, Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan, at ng ÐÓ°ÉÂÛ̳. Naniniwala ang departamento na ang gawaing ito ay naaayon sa layunin at misyon ng Unibersidad- ang pagiging isang Research University.

           

Topics : Kumperensiya Filipino Wika sining at agham research language studies